Nabubuhay tayo sa mundong madaming dapat sundin, at madaming dapat di gawin. Totoo na ang ating kilos at araw-araw na gawain ay ginagabayan ng mga sikat na utos na nakasulat. Pagdating sa Simbahan, nariyan ang Ten Commandments. Sa paaralan nariyan ang Student's handbook. Sa bahay nariyan ang House constitution na nakasulat sa sinturon ni Daddy, at bunganga ni Mommy. Napaka dami nila, para maiba naman, nais kong ipakilala sa inyo ang mga batas ng magkakatropa pagdating sa tagayan. Ito'y tinatawag kong Ang SAmpung utos nina Emperador at San Miguel.
- Huwag makulit habang umiinom (hindi ka bata)
- Huwag patagalin ang shot glass (may nagaantay)
- Huwag inom ng inom (bumili ka din)
- Uminom diretso sa tiyan (hindi sa ulo)
- Huwag matakaw sa pulutan (hindi to picnic)
- Magpaalam pag-uuwi (hindi bigla na lang mawawala)
- Magtira ng pamasahe (para di maglakad pauwi)
- Huwag tutulog sa harap ng inuman (hindi jan kuwarto mo)
- Siguraduhing sa bahay ang uwi (hindi sa motel)
- At higit sa lahat, Huwag tikman ang katabi (hindi siya pulutan)


2 comments:
pota ka.
ahahahaha
Huwag makulit habang umiinom (hindi ka bata)
- ikaw to ah...
Huwag patagalin ang shot glass (may nagaantay)
-pauso natin..haha
Huwag inom ng inom (bumili ka din)
-parang ako to ha.lol.
Uminom diretso sa tiyan (hindi sa ulo)
-ako rin ata to...
Huwag matakaw sa pulutan (hindi to picnic)
-si pablito.lol
Post a Comment